Sabado, Setyembre 8, 2012

Bestfriend

Setyembre 08, 2012 Ano nga ba ang kayang gawin ng isang kaibigan para sa kanyang Kaibigan? Hanggang saan ba nila paninindigan ang kanilang pagkakaibigan? Ano ang kaya nilang i give up para sa isa't isa? Ito ay isa sa mga natuklasan kong kuwento na hindi ko inakalang nangyayari sa totoong buhay! Ngunit minsan ang akala natin na ang mga kagilagilalas,nakakatawa,makabagbag damdamin,nakakalungkot,nakakainis at nakakabilib na kuwento ay hindi na nangyayari sa tooong buhay ngunit mali pala tayo sapagkat mayroon palang ganitong kuwento.Samahan niyo akong alamin ang kuwento ng dalawang magkaibigan na nagpaubaya ang isa para lang sa pangarap ng isa. Tawagin na lang nating Tomas ang lalaking ito, isang 3rd year student,kumukuha ng kursong office management!Hindi ko siya masyadong close pero may naikuwento siya sa amin.Ito nga yung tungkol sa bestfriend niya, si Janine, 3rd year students at parehas silang kursong kinuha.Hindi naman talaga niya gusto ang office management, napilitan lang siya dahil ito ang course na kinuha ni Janine.Dapat ay Mechanical engineering ang kukunin niya, pero dahil kay Janine napunta siya sa Office Management. Simula kasi noong High School ay magkaibigan na silang dalawa, kaya't noong nag enroll si Janine ay hindi nito nakayan ang nag-iisa. Lagi na lang daw itong OP sa mga kaklase nito. Nagpasya itong hintayin si Tomas kaya 3rd pa lang siya ngayon na dapat ay 4th year na. Si Tomas naman kasi ay tumugil ng isang taon, dahil nga sa "Financial Problem".Pero ang nakakatuwa sa kanilang dalawa ay walang namagitang "Romance".Hindi ko alam ang dahilan kong bakit nagawa ni Tomas na i give up ang pangarap niya for the sake of her Bestfriend. All I Wanted to tell him is "I"m so proud of you Tomas a.k.a Jake!". Kung pwede nga lang magpatayo ng rebulto para sa mga taong katulad niya ginawa ko na.Kanina lang namin nakita si Janine(in person) maganda siya, maputi. May Boyfriend siya si Paolo na kabarkada din ni Tomas.Nakakatuwa nga kasi parang kami pa yung nakaramdam na "Awkward" ang situation nila.Kasi ang close talaga nilang dalawa, as if parang wala si Paolo sa tabi nila.Well anyway, I can't blame them because they are already friend for six years before Paolo came.May nililigawan din si Tomas, isa sa mga kaklase ko. Nakakatawa nga siya kasi pag nakikita niya kami ganito lagi ang tanong: Tomas: Si RM nakiya niyo ba? umuwi na siya eh, kanina pa! sagot naman namin sa kanya. Lagi nalang yan yung tanong niya sa amin. Pero masaya naman niya kasi kahit minsan tahimik lang siya. Kaya nga Tomas Pinangalan namin sa kanya dahil yug gupit ng buhok niya katulad kay Joem Bascon ng "Walang Hanggan" eh di ba nga Tomas pangalan niya dun.